HIGHWAY STAR
[Rimula X Commercial]
"Wooo~ it's a killing machine..." - Deep Purple
'ika nga ni Kulot: "Whoa... so fast!"
Yep, it's been a while. And i could see that asides from my friends posting on the Blurtbox, there's still some of my regular audiences [including the spam]. Well, i wouldn't think so much about it since it's just the Blurtbox; made for the public. It's made ready for desecration anyway. ^^
Ayan, magtatagalog ako sa ngayon para sa mga ayaw ng purong ingles. Pero magpost pa rin ako ng ingles... kelangan nating praktisin yun, kailangan ng buhay yun, bah!
Eniweys, ano yung topic? Nakuha ko yung ideya ke Kulot dun sa comment nya sa Friendster ko. At since magkasunod yung mga balita e ituloy ko na rin.
Malamang nakasakay ka na ng ordinary bus mula sa kahabaan ng EDSA... mga bandang 11:30pm hanggang madaling araw kung saan e maluwag ang daanan. Well, kung hindi pa e enjoy the ride nalang at magsimula ka ng bunutin yung rosaryo mo.
I'm discussing some of the obvious and lots of nonsense. As usual. Wala lang. =]
Totoo, nakakatakot magmaneho yung mga bus drivers tuwing peak hours [ng mga kriminal] na tipong magagamit ng driver yung "powersteering" ng bus sa kakarampot na curve o minsan kahit diretso yung kalsada e tatagilid pa rin yung katawan ng bus hanggang 30degreees sa sobrang pagkakaliko. At maaasar ka pa kapag pumara ka e lalagpas ka sa babaan ng hanggang kalahating kilometro.
Pero yung nakakatakot e mataas ang probability na bumangga yung bus sa sobrang bilis. Doon papasok si Prime. Oo, yung trak. Dalawang magkasunod na araw e nasa balita yung magkapatid sa laking mga sasakyan at sa parehong dahilan, magkaiba lang ng lugar. Isa rin yung trak. Iba-iba kargada, pero di nalalayo sa bus pagdating sa daan. Pagpasok ng peak hours [ng mga kriminal] e biglang sulpot yung mga trak sa daanan. Me karag-karag, meron ding heavyduty. Pero parehong mabilis pag maluwag ang daan. Nakakatakot lang sa trak e madalas MAS mabigat kesa sa bus.
Me mga pasaway talaga na driver kung san e tila [pero meron talagang] nakadroga't nagmamadaling pumunta ng langit kung magmaneho. Siguro minsan pag maluwag ang highway at walang pulis na manghuhuli e nagkakaroon tayo ng pakiramdam na "atin ang kalsada (yeeeahhh!!!)" kaya harurot naman tayo [si Dennis ganun sa SLEX hehe].
Sige, ok lang... basta pagdating sa disgrasya e sana walang damay. =]
Point is, make sure na makakarating sa dapat puntahan bago magrelax sa manibela. Wag pipikit!
* Oh well, at least i typed that quick enough. I'll post right after my birthday.
Congrats pala sa "Frolic Night". Na-TV na sila!